Heart, napagkamalang buntis!

January 06, 2019
Heart Evangelista

’KATUWA ang reaksyon ng followers ni Heart Evangelista sa Instagram nang mag-post siya ng litrato niya kaharap ang isang istatwa ng anghel na tipong naka-quiet sign.

Caption kasi ng misis ni Senador Chiz Escudero sa may pagka-pilyang litrato, “I’ve got a major secret and I can’t wait to tell you about it! I’ll keep my lips zipped for now.”

Kaya naman sunud-sunod ang hula ng IG followers niya na baka buntis na uli siya.

Pero, mabilis itong nilinaw ni Heart nang sagutin ang isang excited na nag-comment ng, “Baby on the way? Egggzoiteddd!”

Anang aktres, “No not that,” at kinabitan ang comment niya ng smiley.

Anyway, ramdam na ramdam ang excitement ng netizens sa muling pagdadalantao ni Heart.

Lahat sila, puro well wishes ang ipinaabot sa aktres at ang isa pa nga, sinabing “you’re angelic in every way.”

Sunod sa muling pagbubuntis, meron din namang mangilan-ngilan na humulang may bago raw sigurong negosyo si Heart o kaya ay bagong teleserye sa home network nitong GMA-7.

Matatandaan na nu’ng nakaraang taon ay nag-lie low ang aktres matapos magkasunod na mawala ang ipinagbubuntis niya sanang kambal -- panganay dapat nila ni Sen. Chiz.