Home>Entertainment>Showbiz>Heart proud sa billboard sa Times Square, New York

Heart proud sa billboard sa Times Square, New York

Heart Evangelista
Heart Evangelista

ISA na namang proud moment para sa Queen of Creative Collaborations at Kapuso actress na si Heart Evangelista ang paglabas niya sa isa sa mga digital billboard sa Times Square sa New York City.

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Sa Instagram, excited na ibinahagi ni Heart ang litrato ng nasabing billboard, “”I still can’t believe that my billboard for @iasthreads is displayed in Times Square in New York! I’m so grateful for such an incredible opportunity to highlight a sustainable brand that shows the talented craftsmanship of Filipino artisans. God is truly good!”

Makikitang hawak niya ang Panda Minaudière, ang bag na ipinangalan sa alaga niyang aso na si Panda mula sa IA Thread’s Cruise Collection ng brand.

Bumaha naman ng congratulatory messages at positive feedback mula sa fans at mga malalapit niyang kaibigan ang comments section ng post ni Heart.

Carla dalawang araw nangapa sa pagbabalik-taping

Love of my life

INAMIN ni Carla Abellana na nahirapan siyang bumalik sa kanyang character sa all-new episodes ng drama series na ‘Love of My Life’ na mapapanood simula ngayong Lunes (January 18), 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

“Getting back into character took like a taping day or two but everything else naman flowed freely and good,” ani Carla.

Taliwas naman sa Kapuso actress, mabilis daw na nakabalik sa kanyang character si Mikael Daez dahil lubos daw niyang na-enjoy itong gampanan.

Aniya, “I got to know Nikolai (his character) very well at the very start and hindi ko siya nakalimutan because I enjoyed working with that character. I enjoyed working with the cast, with Carla, Rhian, Direk Don (Michael Perez), and the whole crew.”

Maasasaksihan sa fresh episodes ang muling pagbangon ng pamilya Gonzales matapos ang pagpanaw ni Stefano (Tom Rodriguez). Unti-unti nang magkakaayos ang mag-inang sina Isabella (Coney Reyes) at Nikolai (Mikael Daez) habang malalaman na rin ang kahihinatnan ng love triangle sa pagitan nina Nikolai, Adele (Carla Abellana) at Kelly (Rhian Ramos).

Jeric at Klea nabigatan sa climax

AYON sa lead stars ng hit GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa kanilang new episodes.

Kuwento ni Klea, “Marami silang dapat abangan. Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scenes. Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na seven months pero lahat ng effort at oras namin ay nilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari.”

Dagdag pa ni Jeric, “Ang masasabi ko lang is walang eksenang matatapon dito o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nandito na tayo sa climax ng kuwento kaya dapat abangan nyo. ‘Wag n’yo palampasin.”

Matatandaan na naputol ang kuwento nang nasa panganib ang karakter ni Klea na si Clarisse pati ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Lahat ito ay pakana ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric).

Samantala, mapapanood muli ang maiinit na eksena sa recap ng ‘Magkaagaw’ na simula January 18, 2:30PM, sa GMA Afternoon Prime.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal