Home>Entertainment>Showbiz>Heart tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga estudyante

Heart tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga estudyante

Heart Evangelista
Heart Evangelista

HINDI humihinto si Heart Evangelista sa ginagawang pagtulong sa mga estudyanteng nangangailangan. Bagama’t hindi nakatapos ng pag-aaral, alam ni Heart ang ang kahalagahan ng makatapos, lalo na kung mula sa isang mahirap na pamilya.

Sa pamamagitan ng kanyang Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naaabutan niya ng tulong sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

Inanunsyo ng aktres sa kaniyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay, “I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!”

Tampok din ang Big Heart PH project ni Heart sa ‘Isang Puso Ngayong Pasko,’ ang 2020 Christmas Station ID ng GMA Network na inilunsad noong Lunes ng gabi. Mapapanood ang kabuuan nito sa official social media pages at YouTube channel ng GMA.

GMA Christmas Station ID, trending: 1 million views agad sa Facebook

GMA Christmas Station ID
GMA Christmas Station ID

MARAMI ang nagandahan sa Kapuso Christmas Station ID na “Isang Puso Ngayong Pasko” nitong Lunes (Nobyembre 16).

Bukod sa mga paboritong Kapuso stars at news and public affairs personalities, napakaganda ng mensahe ng Kapuso Christmas Station ID – ang pagiging “Isang Puso Ngayong Pasko” sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan natin.

Wala pang isang araw ay umabot na agad ito ng 1 million views sa Facebook at napasama rin sa Top 5 trending videos sa YouTube Philippines. As of this writing ay mahigit 260,000 views na ito sa YouTube. Trending din ito sa Twitter Philippines nitong Lunes.

Post ng isang netizen, “This video deserves a million views! Kailangan natin ‘to ngayon para ma-lift up ang spirit natin. Despite all the crisis and challenges we’re facing right now, tuloy na tuloy ang Pasko! Nakakaproud maging PINOY at MAGING KAPUSO!”

Gabbi isinusulong ang mabuting paggamit sa social media

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

MATAPOS sabihing “social media should be a tool to communicate not to hurt” ng magandang aktres-commercial model na si Gabbi Garcia, na-realize ng marami kung paanong magagamit ng mabuti ang social media. Nitong mga nakaraang araw, makikitang ginamit ni Gabbi ang kanyang social media accounts upang magbigay ng lakas at makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

In fact, kahit siya ay masasabing biktima rin ng bagyo. Dahil sa bagyong Ulysses, na-move ang pilot airing ng kanyang show sa GMA News TV na IRL (In Real Life) para magbigay daan sa balita at updates sa bagyo. Ngayong Huwebes (November 19) na mapapanuod ang first episode ng nasabing reality program kung saan una niyang guest co-host ang kanyang boyfriend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.

Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kanyang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode. Say ni Gabbi: “Hi guys. The pilot ep of “IRL” will air on Nov. 19 instead. So sorry I wasn’t able to update you guys yesterday. We had no signal and power. Praying for everyone’s safety. please please take care.” Naintindihan naman ito ng fans ni Gabbi na karamihan ay nagsabing mas mahalagang safe ang Kapuso star at ang kanyang pamilya.

Jasmine, Sunshine sumama sa grupo ni Dingdong para tumulong sa typhoon victims

Jasmine Curtis-Smith
Jasmine Curtis-Smith

ISA ang ‘Descendants of the Sun PH’ actress na si Jasmine Curtis-Smith sa mga miyembro ng Aktor PH na personal na nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina at iba pang bayan sa Rizal.

Bukod kay Jasmine, personal na dumalo rin sa kanilang relief operation sa Marikina noong Nobyembre 13 ang DOTS Ph co-star niya at tagapagtaguyod ng Aktor PH na si Dingdong Dantes at kapuwa aktres na si Sunshine Dizon.

Umaasa naman si Jasmine na makakatulong ang kanilang napaabot na relief goods, “We hope that what small help we can give will be able to assist you the next couple of days and we pray for those who are still trying to manage with what’s left of their homes.”

Maliban sa Marikina, bumisita rin si Jasmine kasama ang mga miyembro ng Aktor PH sa San Mateo, Rizal para sa isa pa nilang relief operation. Kasalukuyan din silang lumilikom ng pondo at relief goods para naman sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal