'Hello, Love, Goodbye' malapit ng malagpasan ang ‘The Hows of Us'

August 24, 2019
Kathryn Bernardo and Alden Richards

SIXTY one million na lamang ang kulang at aabot na sa P900-M ang kinikita sa box office ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan for the first time nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dinirek ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.  As of the latest figures released by Star Cinema, umabot na ang kinita ng HLG ng P838,514,653.70 magmula nang ito’y magbukas  sa mga sinehan nationwide last July 31 including international screenings.

Kailangang umabot sa P900-M ang HLG para mapantayan nito ang current title holder sa box office na “The Hows of Us” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na dinirek din ni Direk Cathy for Star Cinema nung nakaraang taon.

Sa takbo ng HLG, doable ang P900-M plus at milagro namang  maituturing ang naging resulta sa takilya ng pelikula dahil first team-up ito nina Kathryn at Alden kumpara sa tambalan nina Kathryn at ng kanyang  boyfriend na si Daniel na solid na ang pundasyon bilang loveteam.

Dapat na rin sigurong i-pair si Daniel sa ibang partner o leading lady for him to prove na kaya rin niyang magdala ng pelikula without banking on his loveteam with Kathryn.  

Kung dati-rati’y si Vice Ganda ang sumisira ng sarili niyang record sa takilya, ito’y nakuha na ni Kathryn na siyang `box office queen’ for two consecutive years.