'Hello, Love, Goodbye' patuloy na gumagawa ng kasaysayan

August 22, 2019
Alden Richards and Kathryn Bernardo
Alden Richards and Kathryn Bernardo

PATULOY na gumagawa ng bagong kasaysayan sa local movie industry maging sa North America at sa iba pang bansa ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Although hindi na nagri-release ng latest figures ang Star Cinema, patuloy na pumapalo sa box office ang HLG now on its 4th week (in the Philippines) at second week naman sa North America, maging sa ibang bansa.

Hindi rin malayong ma-break ni Kathryn ang sarli niyang record with boyfriend na si Daniel Padilla, ang “The Hows of Us” na dinirek din ni Direk Cathy at ipinalabas nung isang taon na kumita ng mahigit P900-M sa box office making it the record-breaking local hit movie of all time. 

Ang ongoing performance ng HLG sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ay indikasyon na hindi imposibleng mapantayan nito o kung hindi man malagpasan ang record na naitala ng “The Hows of Us” nung isang taon and Kathryn will be breaking her own record sa takilya.

Ang “Hello, Love, Goodbye” is the only Filipino film na pumasok sa  number 5 chart ng North America among the foreign independent films na ipinalabas doon for the last two weeks.