Hitmakers at Ai-Ai, bibigyan ng tribute si Rico

January 31, 2019
Rico J. Puno
Rico J. Puno

PUMALIT si Ai-Ai de las Alas sa puwesto ng yumaong si Rico J. Puno sa grupo nina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison na kilala bilang The Hitmakers.

Magkakaroon ng Valentine concert sa February 15 ang tatlong singers but this time, ang title na nito ay The Hitmakers and Ai.

Last year namatay si Rico J. kaya fresh pa sa kanilang tatlo ang alaala nito.

Eh, may tribute sila sa concert kay Rico kaya aminado silang malamang na magkaiyakan din sila.

“Malapit na siyang mag-sink-in sa akin. More than 10 years na kaming magkakasama. Ayaw nu’n ng  malungkot, ayaw niya ng nagdurusa. Gusto niya laging masaya!

“Ako, memories ko sa kanya masaya siyang kasama. Saka kahit na anong klaseng joke ay kaya niyang tanggapin. Kung napapansin niyo, kapag nagsosolo concert kami, nagsisiraan kami. Wala, ganoon lang.

“Nalulungkot lang kami kasi tulad niyan, meron akong kakantahin na kanta niya sa concert,” pahayag ni Marco.

Saad naman ni Ai, “Ako, nalulungkot talaga kahit hindi ako Hitmaker. Kasi madalas ko ring kasama si Kuya, eh. At saka, mami-miss ko ’yung binabastos niya ako.

“Kasi minsan, pumipili lang ako ng bumabastos sa akin. ’Pag iba, nau-offend ako o hindi ko pinapalampas. Si Kuya, okay lang sa akin. Para siya lang ang may lisensiya.

“Sina Marco at Hajji, may K sila kasi masyonders (matanda) na! Hahaha!” rason ni Ai.

Ang pagiging mahusay sa timing sa comedy ang mami-miss ni Hajji kay Rico.

“Kahit anong sabihin niya sa akin, okay lang sa akin. ’Yung timing sa comedy at ang sarap niyang kabatuhan. Kausap mo pa lang siya, may sagot na. Kahit ano, hindi nakakasawa ang sasabihin niya. Ang sarap niyang kasama sa stage,” sey naman ni Hajji.

Naubos na raw ang luha ni Hajji nu’ng wake at sa guestings nila sa TV nang magbigay ng tribute kay Rico.

Mula sa StarMedia Entertainment ang Hitmakers and Ai at sa Newport Performing Arts sa Resorts World Hotel ito mapapanood.