Hiwalayang Nadine-James kumpirmado na

January 21, 2020
James Reid & Nadine Lustre

VINDICATED ang mga entertainment writer/columnist na sina Ricky Lo at Jojo Gabinete sa kanilang balita na hiwalay na ang dating live-in partners na sina James Reid at Nadine Lustre matapos mag-issue ng joint statement ang dalawa na kanilang ipinadala sa programang “Tonight with Boy Abunda” ng King of Talk na si Boy Abunda nung nakaraang Lunes ng gabi, January 20. 

Inakala kasi ng iba na ito’y kuryente lamang matapos itong i-deny ni Jadine at makita ang dalawa na magkasama sa ilang okasyon tulad ng paghihiwalay ng taon, ang sightings sa dalawa in Baquio City, pag-akyat sa Mount Ulap in Itogon, Benguet at maging ang kanilang pictorial at pamamasyal sa Rio de Janeiro in Brazil recently.

Mutual umano ang naging paghihiwalay nina James at Nadine pero nananatili pa ring magkaibigan ang dalawa.  Katunayan, pumirma si Nadine sa sariling record label ni James, ang Careless Music Manila kaya patuloy ang music collaboration ng dalawa.  Gusto umano ng dating live-in partners na mag-focus sa kanilang respective solo careers at magkaroon ng growth individually.

But for whatever reason, the fact remains na hiwalay na sina James at Nadine na naging magkasintahan sa loob ng mahigit tatlong taon at hindi na umabot sa kanilang 4th anniversary on February 11.  Ang dalawa ay naging magkasintahan nung February 11, 2016 which they later confirmed and announced sa kanilang “JaDine: In Love” concert sa Big Dome nung February 20, 2016.