Hunk Japanese actors nasa Pilipinas

September 15, 2019
Joe Nakamura & Yohdi Kondo

HUMARAP ang dalawang Japanese actors na sina Joe Nakamura at Yohdi Kondo sa local entertainment media last Saturday ng hapon na ginanap sa Botejyu in Robinson’s Galleria para sa pelikulang “Athlete,” isang LGBT movie na nakatakdang ipalabas ngayong September 25, 2019 sa mga sinehan ng Robinsons sa buong Pilipinas.  Ito’y produced ng MVP Entertainment and released by Viva International Pictures.

Si Joe Nakamura ay isang kilalang TV and movie actor and commercial model sa Japan.  He has appeared in 12 drama programs and seven movies at kasama na rito ang soon-to-be-shown movie na “Athlete” where he plays the role of a married man na magkakaroon ng relasyon sa isang lalaki na ginampanan ng singer-actor na si Yohdi Kondo.  He has also done seven TV commercials at kasama na rito ang Asahi Super Dry and has been featured in Japan’s top magazines  tulad ng Figaro, Crea, Gekkan Major League, MensBland at iba pa. Nag-cover din siya sa Men’s Health Magazine, Singapore Edition.

Given the chance, gusto ni Joe na makagawa ng pelikula kasama ang mga Filipino actors.  Nagandahan din siya kay Anne Curtis na nakita niya in person sa “It’s Showtime”.

Since ang pagdating nila ni Yohdi Kondo sa Pilipinas ay may kinalaman sa promo ng “Athlete” movie, gusto umano nilang bumalik ng Pilipinas balang araw to explore Manila at iba pang magagandang lugar ng bansa.

At 45, single pa rin ang hunk Japanese actor at hindi umano imposible na ma-in love siya sa isang Filipina.