Ian late bloomer bilang singer

June 19, 2019
Ian Veneracion
Ian Veneracion

PILOT, sportsman, painter, actor, singer Ian Veneracion started his showbiz career at age 6 sa pamamagitan ng TV series na “Joey and Son” sa RPN-9 in 1982 na pinagsamahan nila ni Joey de Leon.  Mag-ama ang role nina Joey at Ian sa nasabing serye.

Up to this time na 44 na si Ian ay hinding-hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang Tito Joey (de Leon) who acted as his tatay-tatayan sa showbiz.

“I know Tito Joey is proud kung anuman ang narating ko,” pahayag ni Ian sa intimate presscon ng kanyang upcoming two-night concert sa Music Museum on July 11 & 12, 2019 na pinamagatang “Ian: In Color” kung saan niya magiging special guests ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez at iba pang surprise guests.  Ang nasabing two-night concert ay produced ng A-Team ng singer-composer-actor-comedian, host  at OPM president na si Ogie Alcasid.

Given the chance, gusto ni Ian na muling makatrabaho si Joey either sa isang concert o sa pelikula.

Although at a young age ay mahilig na si Ian sa musika, it was not too long ago nang bigyan niya ng pansin ang kanyang pagiging singer-performer which brought him doing a concert at the Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila nung isang taon, his guesting sa US concert tour ng Megastar na si Sharon Cuneta and concerts in Canada. Dapat sana’y nagkaroon din sila ng back-to-back concert ng veteran American singer na si Patti Austin pero nag-end up na siya na lamang mag-isa ang nag-concert.  

“It was only recently ko lang na-realize na kaya ko palang kumanta at  mag-perform at magpasaya ng audience,” pag-amin ni Ian.

“Ang buong akala ko ay mananatili lamang hobby ang pagkanta ko,” aniya.

Ian got married an an early age of 25 in 1994 sa kanyang non-showbiz wife engineer na si Pam Gallardo and they are blessed with three grown up sons – sina Deirdre, Tristan at Duccio.

Samantala, si Ogie Alcasid ang magiging special guest ni Ian sa kanyang Music Museum concert on July 11 at ang Asia’s Songbird naman na si Regine Velasquez on July 12 plus other special guests.

“I’m so excited!” bulalas ni Ian na ang mga music influence include Sting, U2, Eric Clapton, The Eagles, Peter Frampton at ang Norwegian duo na Fra Lippo Lippi.

Ang nakakatuwa lang, bumili ng maraming tickets ang fans ng tambalan nila ni Jodi Sta. Maria at team-up nila ni Bea Alonzo.