Ian nagseryoso, sinamahan si Patti at Zsa Zsa

April 16, 2019
Ian Veneracion

SINERYOSO talaga ni Ian Veneracion ang bago niyang career bilang singer. In fact, this Holy Week ka back-to-back niya sa concert si Patti Austin.

Enjoy na enjoy si Ian sa kanyang pag-awit and doing shows. Kahit naman daw noong bata pa siya ay hilig na niyang kumanta.

"Pag bata ka  you always dream to be a  rock star," sabi ng guwapong actor na gumanap na composer sa seryeng A Love To Last.

Aminado si Ian na kinakabahan siya whenever he sets foot sa concert stage. Pero he draws his energy from the audience. "Kapag nakikita mo ang response ng audience. If you can sense na enjoy sila sa pagkanta mo, mas lalo kang  mai-inspire na gawin ang best mo," sabi pa ng actor.

'Iba kasi pag live audience compared sa tv o pelikula. Pag live audience, instant ang reaction ng tao sa performance mo. Alam mo agad kung enjoy sila kaya mas lalo kang gaganahan na mag-perforn."

Panauhin din si Ian sa concert ni Zsa ZSa Padilla sa Newport Perforning Arts Theate on May 16. Titled Totally ZsaZsa, ito ang unang pagkakataon na aawit siya together with the Divine Diva.