Iba pang dapat malaman tungkol kay Donya Tesoro

June 30, 2020
Donya Tesoro
Donya Tesoro

SAMANTALA, sino nga ba si Donya Tesoro?

Nung una ay pangarap ni Donya na maging isang journalist pero ang kanyang attention ay naagaw ng public service matapos siyang ma-expose sa larangang ito dahil sa ang kanyang amang si Benjamin `Bening’ Tesoro ay naging mayor ng tatlong termino sa San Manuel, Tarlac.

Ayon sa magandang lady mayor, wala umanong nag-convince sa kanya na pumasok sa pulitika, not even her dad na siyang outgoing mayor then.  Siya ang kusang kumandidato sa pagka-mayor at vice-mayor naman ang tinakbuhan ng kanyang father at pareho silang nanalo.  Pero bago pa man nahalal na mayor si Donya ay nanilbihan siyang councilor for one term at one term din bilang vice-mayor (ng kanyang dad).  Nitong 2019 elections ay nagpalit silang mag-ama ng puwesto. Ayon sa young lady mayor, malaking bagay na ang kanyang ama ang kanyang ka-tandem sa pagpapatakbo ng San Manuel dahil magkatuwang sila sa pamamalakad sa kanilang nasasakupan.