Imelda itinaob ang AlDub sa Philippine Arena

October 28, 2019
Imelda Papin

JUKEBOX Queen, Asia’s Sentimental Songstress, KAPPT president, entrepreneur and Camarines Sur vice-governor Imelda Papin made history as she filled-up the 55,000-seater Philippine Arena last Saturday, October 26, when she mounted her 45th anniversary in the entertainment business.  Billed as “IMELDA PAPIN: Queen @ 45 Anniversary Concert” and  directed by Joane Laygo with Mel Villena as musical director, the concert was jointly produced by Dream Wings Productions and Papin Entertainment Productions.

Naging special guest ni Imelda sina LA Santos, ang anak niyang si Maffi Papin, her sisters Gloria and Aileen Papin, her three grandchildren, Gary Cruz, Andrew E., April Boy Regino, Claire de la Fuente, Eva Eugenio, Darius Razon, Jovit Baldivino, Marco Sison, Pilita Corrales, Sonny Parsons and Victor Wood.  Si Robin Padilla naman ang naging surprise guest na nagpaunlak ng dalawang kanta.

Nang unang lumabas ang balita na sa Philippine Arena magku-concert si Imelda, marami ang  nagtaasan ng kilay.  “Kaya ba niyang punuin `yan?” tanong ng iba.  Until dumating ang araw ng Sabado, October 26 when people started to arrive in droves at the Philippine Arena hapon pa lamang. Nakakakilabot ang dami ng taong dumagsa sa nasabing venue na ang unang local atists na nakapuno ay ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza at Dabarkads ng “Eat Bulaga” nang doon ganapin ang first anniversary ng AlDub.  No other local artists attempted to hold concert at the Philippine Arena dahil bukod sa malayo ito (Santa Maria, Bulacan), napakalaki nito (55,000 seater) para punuin.  

Ang mga pinasikat na awitin ni Imelda at the peak of her popularity ay nagmistulang `national anthem’ ng mga taong nasa  audience ng Philippine Arena dahil sinasabayan nila ang pag-awit ng singer-politician.