Ina ni Ate Vi, namayapa na

April 02, 2019
Vilma Santos-Recto & Milagros Tuazon-Santos
Rep. Vilma Santos-Recto with mom Milagros Tuazon-Santos ang siblings Emelyn, Sonny, Tess and Winnie Santos.

NAGLULUKSA ngayon ang Star for All Seasons at kinatawan ng Lipa, Batangas na si Rep. Vilma Santos-Recto sa pagpanaw ng kanyang inang si Gng. Milagros Tuazon-Santos nung umaga ng Lunes, April 1 sa isang pagamutan ng Batangas. She was 93.

Ulila nang lubos si Cong. Vi at ang kanyang mga kapatid na sina Emelyn, Sonny, Tess at Winnie dahil sa pagpanaw ng kanilang ina.  It was on November 6, 1986 nang sumakabilang buhay ang kanilang amang si G. Amado Santos, three days after Cong. Vi celebrated her 33rd birthday.

Nagluluksa rin ang mga apo ni Mama Santos, ang half-siblings na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto at mother-in-law ni Sen. Ralph Recto.

Dahil dito, tigil muna sa pangangampanya sa Lipa, Batangas ang Star for All Seasons at incumbent representative na si Cong. Vi na tumatakbo sa ikalawang pagkakataon bilang kinatawan ng Lipa City. Gusto muna niyang ilaan ang kanyang oras sa kanyang namayapang mahal na ina na sumakabilang-buhay nung  sa Mediatrix Hospital ng Lipa, Batangas kung saan siya na-confine sa loob ng isang buwan at doon na rin binawian ng buhay. Ayon kay Cong. Vi, darating sa araw na ito ng Miyerkules, April 3 ang dalawa niyang nakababatang kapatid na naka-base sa Amerika na sina Maritess at Winnie Santos. Ang cremated ashes ni Mama Milagros ay paglalamayan sa Loyola Memorial Chapels in Sucat, Parañaque simula rin sa araw na ito at ilalagak ang kanyang mga abo sa columbarium ng St. James Church in Alabang sa darating na Sabado. Kukunin din umano ang mga buto ng kanilang yumaong ama na si Amado Santos para pagsamahin ito at abo ni Mama Santos.