Ina ni Gerald, ’di nakatulong ang pagtatanggol sa anak

August 27, 2019
Gerald Anderson

BINASAG na rin ng ina ni Gerald Anderson na si Evangeline ‘Vangie’ Opsima ang kanyang pananahimik sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang anak na si Gerald kaugnay sa paghihiwalay nito at ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo at isa pang nali-link sa actor na si Julia Barretto.  Nagbigay na ng magkahiwalay na pahayag sina Gerald at Julia at pareho nilang sinabi na wala umano silang ugnayan sa isa’t isa at lalong hindi umano totoo na si Julia ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea ganundin si Gerald kina Julia at dating boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Sa report ng “TV Patrol” ng South Central Mindanao, hindi naitago ng ina ni Gerald ang kanyang pagkadismaya at sama ng loob sa ex-girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo na hindi umano siya pabor gayundin kay Julia.

Although maraming netizens ang nag-react sa naging mga pahayag ng mommy ni Gerald, natural lamang ito sa isang ina na nasasaktan for her son.  Pero sabi nga ng iba, hindi nakatulong ang pagsasalita ni Vangie para sa anak laban kina Bea at Julia.

Samantala, naging usap-usapan ang magkaparehong numero #3 ang magkahiwalay na jersey shirts nina Gerald at Julia sa ginawang All-Star Games ng Star Magic last Sunday na ginanap sa Big Dome (Araneta Coliseum).  Si Gerald ang team leader ng kanyang basketball team habang si Julia naman ang team leader ng kanyang volleyball team.  Nakatunggali  sa basketball ng team ni Gerald ang “It’s Showtime” team ni Vice Ganda habang ang volleyball team ni Julia ay nakalaban naman ang team na pinamunuan ni Kim Chiu.  Ang respective team na pinamunuan ng dating magkasintahang Gerald at Kim ang nanalo at si Gerald ang itinanghal na Most Valuable Player.