Ion kasama ni Vice at ina nito sa pamamasyal sa ibang bansa

May 23, 2019

MUKHANG totohanan na anumang meron ngayon sa pagitan ni Vice Ganda at ang dating Mr. Universe Tourism-turned-“Mr. Escort” ng “It’s Showtime” na si Ion Perez.

Si Ion ay kilalang-kilala na ng publiko dahil sa exposure na nakukuha nito sa “It’s Showtime.”

Pagkatapos ng concert ni Vice sa Guam, isinama rin siya ni Vice sa concert tour nito sa USA at Canada.  Ipinakilala na rin ni Ion si Vice sa LA-based sister nitong si Natalia at mister nito at kasa-kasama ni Vice si Ion sa pamamasyal nito kasama ang ina ng singer-actor-comedian-TV host na si Gng. Rosario Viceral.

Marami ang nagsasabi na napakasuwerte umano ni Ion sa pagkakaroon nito ng relasyon  kay Vice dahil napaka-generous umano nito.

Bukod kay Ion, kasama rin ni Vice sa kanyang concert tour si `Ate Girl’ na si Jackque Gonzaga ng “It’s Showtime.”