Ion napikon, muntik mag-resign sa ‘It’s Showtime’

November 19, 2019
Ion Perez
Ion Perez

INAMIN ni Vice Ganda sa kanilang programang “It’s Showtime” na minsan ay nag-resign ang original `Mr. Escort’ sa programa na si Ion Perez dahil naba-bash umano ito magmula nang ito’y maugnay sa singer-comedian-TV host superstar.  Pero kinausap at pinigilan umano si Ion ng director ng programa na si Direk Bobet Vidanes kaya ito nag-stay.

Nagsimula sa biruan sa “It’s Showtime” pero na-develop sa isa’t isa ang relasyon nina Vice at Ion na mahigit isang taon na ngayon na aprubado naman ng kanilang mga kasamahan sa programa at maging ng madlang people.

Si Ion ay pang-11 sa 15 na magkakapatid. Dahil sa kanyang kinikita sa “It’s Showtime” at sa iba pang personal appearances ay nakakatulong na siya sa kanyang pamilya laluna ang kanyang ina na tinutulungan umano niya noon na magtinda ng mga kakanin at poultry products sa palengke ng Concepcion, Tarlac.

Nasasaktan umano  si Ion sa mga akusasyon na kaya lamang umano siya nakipag-relasyon kay Vice dahil sa pera at kasikatan nito.

Proud kay Ion si Vice nang ito’y makatanggap ng award bilang “Breakthrough Artist of the Year” ng RAWR Awards ng isang entertainment website na LionHearTV.  Ito bale ang kauna-unahang award ni Ion bilang isang TV personality.