Irish BF ni Glaiza umalis pero babalik agad

July 09, 2020
Glaiza de Castroand Cristy Galura
Glaiza de Castroand Cristy Galura

HANGGANG ngayon ay nasa Baler, Quezon pa rin ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro kasama ang kanyang parents na sina Boy at Cristy Galura kung saan sila inabutan ng lockdown since March this year.  Pero ang kanyang Irish boyfriend, ang businessman at surfing instructor na si David Rainey na kasama nilang inabutan ng lockdown sa Baler ay nakabalik na ng Ireland nung last week ng May.

Gustung-gusto umano ni David ang buhay-probinsiya. Natuto itong mamalangke roon at tumutulong din umano si David sa pagluluto, pagtatanim ng gulay at paglilinis ng bahay kasama si Glaiza at parents nitong sina Boy at Cristy.

May sariling coffee shop sa Ireland si David at gusto nitong magtayo ng bagong coffee shop sa Baler kung saan may nabiling three-bedroom house si Glaiza na may sariling gym at swimming pool.

Mahigit dalawang taon na rin ang relasyon nina Glaiza at David na unang nagkakilala in Siargao.

Sobrang natuwa si Glaiza nang mag-initiate ang nobyo na makilala ang kanyang parents at doon niya na-realize na talagang seryoso ang intention nito sa kanya.

Ang kanilang more than two months na pagsasama sa Baler with her parents ay lalong nagpatatag umano sa kanilang relasyon dahil isa umano si David sa mga taong madaling mag-adjust sa sitwasyon considering na iba ang kanilang kultura.   He is simple and caring hindi lamang kay Glaiza at sa kanyang family kundi maging sa mga taong nasa kanilang paligid.

Nang mag-aral ng music production and music composition si Glaiza sa award-winning Point Blank Music School in London for three months, nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang pamilya ng kanyang boyfriend, twin sister at isa pang kapatid.  Napaka-warm umano ng naging pagtanggap ng family ni David sa kanya.

Ang pagkikita nina Glaiza and David’s family happened sa ika-30 birthday nito at ng kanyang twin sister.

Since balak ni David na magtayo rin ng coffee shop sa Baler, Quezon, mukhang may balak itong mag-settle sa Pilipinas balang araw and raise a family of his own.

For now, nasa long distance relationship sila pero nakatakdang bumalik sa Pilipinas si David this September. 

Alam ni David na narito sa Pilipinas ang trabaho ni Glaiza at wala umano itong plano na pahintuin ito to settle in Ireland dahil alam niya na mahal ng singer-actress ang kanyang career at pamilya.

Bukod sa pagiging mabait at caring, nagustuhan din ng Kapuso actress  kay David ang pagiging simple at family-oriented bukod sa music na pareho nilang hilig.