Isa pang pinoy talent sikat sa Indonesia

November 27, 2018
Teejay Marquez
Teejay Marquez

KUNG ang tinaguriang “Asia’s Romantic Balladeer” na si Christian Bautista ay kilalang-kilala sa Indonesia at iba pang karatig bansa ng Asya tulad ng Singapore, Malaysia at Thailand, isa pang Filipino singer-actor at TV personality ang patuloy na gumagawa ng pangalan sa Indonesia, ang 25-year-old na dating Kapuso at Kapamilya talent na si Teejay Marquez.

Bihasa na ring magsalita ng Bahasa (Indonesian language) si Teejay na natutunan niya sa tulong ng isang  private tutor (in Indonesia).

Taong 2016 nang magsimula ang career ni Teejay sa Indonesia. Ang pinaka-latest ay ang Indonesian version ng “Meteor Garden” kung saan  he played the role of Xi Men na unang ginampanan ni Ken Chu sa original version nito in 2003.

Ang Indonesian version ng “Meteor Garden” ay pinamagatang “Saipa Takut Jatuh Cinta” (Who’s Afraid to Fall In Love”) na ipinalabas sa SCTV at nagtapos nung nakaraang  October 2018.

Nakagawa na rin siya ng isang Indonesian movie, ang “Dubsmash” and has appeared in seven TV programs tulad ng “Rumpi,” “Hitam Putih,” “Gen Z,” “Ini Talkshow,” “Girls Night Out,” “Katakan Pulis” at ang “Siapa Takut Jatuh Cinta”.

Natutuwa rin si Teejay na ipinapalabas sa Indonesia (with Bahasa dubbing) ang mga teleserye ng ABS-CBN tulad ng “Pangako Sa `Yo,” “On the Wings of Love” at iba pa.

Si Teejay ay dati ring naging talent ng GMA.