Isabella nina Robin at Mariel, nag-tantrum sa ‘parada’

December 12, 2018
Mariel & Isabella Padilla

MAS lantad ang kaswitan ng lovers na sina Sophie Albert at Vin Abrenica kesa kina Gabbi Garcia at Khalil Ramos nang dumalo sa sorpresang kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla last December 11 sa Villa Milagros, isang ancestral house sa Montalban, Rizal.

May sariling pictorial sina Sophie at Vin  na inilabas sa Instagram ng Kapuso actress. Nakisabay sila sa love is in the air feeling sa araw na ’yon.

Sa IG post naman ni Gabbi, medyo asiwa pa ang dalawa na mag-holding hands.

Nakalagay sa caption ng Kapuso actress ang, “Ohhhh so formal!” Exit frame na nga lang si Vin sa photo-op ni Sophie sa bagong kasal.

Ibinahagi naman ni Mariel Padilla ang eksena bago tuluyang rumampa sa carpet ang anak nila ni Robin Padilla na si Isabella.

Kinuhang flower girl ang anak at nu’ng paparada na siya, nag-tantrum ang bagets.

Eh, nang bumalik sa normal si Isabella, karga-karga na siya ni Mariel pero wala nang sapatos.

Gusto sana niyang ikuwento ang nangyari sa speech niya, pero nakalimutan na ni Mariel ang nangyari sa anak.

Sa pasasalamat sa IG ng stepmom ni Kylie, “She (Isabella) may not remember it but I will not forget... THANK YOU!”

Sa social media kumalat ang balitang pagpapakasal ng dalawa at nanguna sa pagbalita si Robin Padilla via his Instagram stories na documented mula simula hanggang sa reception.