Isabelle artista na, certified beauty queen pa

September 22, 2019
Isabelle De Leon

MATAGUMPAY na nasungkit ng former child star na si Duday o Isabelle de Leon ang titulong Miss Multinational Philippines 2019 sa katatapos lang na Miss World Philippines 2019. Nagpasalamat ang Kapuso star sa mga tao sa kanyang buhay na tumulong para maiuwi niya ang korona. “My heart is filled with gratefulness. I wouldn't be here if it weren't for all of your love and support. That's why I dedicate and share this victory with every single one of you.”

Samantala, malapit nang mapanood si Isabelle sa highly-anticipated GMA Afternoon Prime series na ‘Madrasta’ ngayong Oktubre kung saan siya ay gaganap bilang isa sa mga kaibigan ni Arra San Agustin. Bukod sa dalawa, makakasama rin nila sina Thea Tolentino, Juancho Trivino, Phytos Ramirez, Gladys Reyes, Manilyn Reynes, Almira Muhlach at iba pa.