Home>Entertainment>Showbiz>Isabelle naging tulay ni Liz sa tatay ng anak

Isabelle naging tulay ni Liz sa tatay ng anak

Liz Uy
Liz Uy

NOT many people know na ang actress na si Isabelle Daza-Semblat ang naging tulay ng pagkakakilala ng fashion stylist na si Liz Uy at ang businessman na si Raymond Racaza sa isang business meeting back in May 2016. That first meeting led to a series of meetings afterwards hanggang sa maging sila before the year was over. Sa simula pa lamang ay naging open na si Raymond that he just came from a failed marriage (from his ex-wife na si Dr. Geraldine Zamora with whom he has a daughter).

When Liz found out that she was pregnant, she left for the US kung saan niya isinilang ang kanilang first baby na si Xavi nung September 20,2017.

Nung nakaraang October 27, Liz posted on her Instagram that she’s now engaged to Raymond and she’s also heavy now with their second child at malapit nang maging big brother si Xavi who is now 3 years old.

Liz Uy with fiance Raymond Racaza and son Xavi
Liz Uy with fiance Raymond Racaza and son Xavi

Samantala, kung ipinagbubuntis ngayon ni Liz ang magiging second baby nila ni Raymond, pregnant din ngayon ang kanilang tulay na si Isabelle sa magiging pangalawang baby nila ng French businessman husband nito na si Adrien Semblat. Ang panganay ng couple na si Balthazar Gabriel ay mahigit two years old na.

Lalong lumago ang negosyo sa gitna ng pandemya

THERE is no stopping ‘The Lord of Scents’ Joel Cruz sa pagpapalago ng iba’t ibang negosyo kasama na rito ang dalawang fully-rented business buildings sa Amerika (one in Walnut at ang isa sa Rialto in San Bernardino, California, USA).

Kung ang ibang business establishments ay nagsara dahil sa pandemya, kakaiba naman si Joel dahil nagbukas siya ng sariling brand ng milktea and Japanese food, ang Takoyatea that in a couple of months ay nagkaroon kaagad ng mahigit 50 franchises. Ito’y on top sa kanyang Aficionado perfume and personal care business.

Hindi ikinakaila ng celebrity businessman na dumanas din siya ng failure bilang negosyante nang magsara ang kanyang garment business na supplier ng malalaking department stores tulad ng SM, Robinson’s, Rustan’s at iba pa in 1997 matapos ulanin ang bansa ng imported garments coming from China at Thailand na sobrang mura.

Nung nakaraang September ay twenty years na ang perfume business ni Joel ang Aficionado with more than four hundred franchises and also being distributed in over 16 countries.

Samantala, ang pagiging masipag ni Joel bilang isang negosyante ay para na rin sa kanyang pamilya at walong anak na may common mother, ang Russian national na si Lilia.

Pagbabalik-tanaw sa 2020

IN a couple of days ay magtatapos na ang taong kasalukuyan at haharapin natin ang hamon ng pagpasok ng bagong taon. Pero bago ang taong 2021, balikan muna natin ang mga kaganapan sa taong magtatapos.

Newsmaker na maituturing ang singer-actress-host at celebrity endorser na si Solenn Heussaff dahil itinaon niya sa araw ng bagong taon ang pagsilang ng first baby nila ng Argentinian husband niyang si Nico Bolzico na si Thylane Katana na mag-iisang taon na sa darating na January 1, 2021.

Nung January 10, 2020 ay nagpakasal sa isang intimate wedding sa Caleruega Church in Batangas sa pagitan ng 2013 Miss World na si Megan Young at Kapuso actor na si Mikael Daez. January 11, 2020 naman namayapa ang ina ng actor na si John Regala, ang dating aktres na si Ruby Regala sa Washingston, D.C. sa Amerika. The following day, nung January 12 ay sumabog ang Taal Volcano in Tagaytay. Two days later nung January 14 ay sumakabilang-buhay ang veteran broadcast journalist na si Twink Macaraeg. Nung January 18, pumanaw din ang OPM icon na si Dennis Garcia ng Hotdog.

Nung January 20, 2020 ay isinilang ang first baby ng controversial actor na si Baron Geisler at wife nitong si Jamie Evangelista na si Talitha Cumi. Ang baby ay isinilang sa Chong Hua Hospital in Cebu City kung saan din isinilang ang two-year-old ng estranged couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Fifteen days after their church wedding in Batangas, muling ikinasal sa San Roque church sa Subic, Zambales sina Megan Young at Mikael Daez attended by their respective families and close friends.

Ipinagluksa naman ng mga basketball enthusiast sa buong mundo ang pagkamatay ng basketball icon na si Kobe Bryant at anak na si Gianna sa isang helicopter accident sa isang bahagi ng California, USA.

Nung February 2, 2020 ay sumakabilang-buhay ang veteran character actor na si Robert Miller at age 73 dahil sa prostate cancer na sinundan ng Healing Priest na si Fr. Fernando Suarez who died of heart attack at age 52. Nung February 5, ang Hollywood icon na si Kirk Douglas ay pumanaw sa kanyang Beverly Hills home at age 103.

February 6, 2020 nang ma-engaged ang (dating) Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang fiancé, ang chef businessman na si Perry Choi. The couple plan to get married in 2021.

February 9, 2020 ay ikinasal ang Kapuso talents na sina Joyce Pring at Juancho Trivino sa isang garden wedding sa Sofitel Philippine Plaza Hotel.

Sa araw naman ng mga puso, February 14 isinilang ng controversial singer-comedienne na si Ethel Booba ang kanyang unang baby na si Michaella sa kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar. Ito rin ang araw na pumanaw ang ating kaibigan at veteran entertainment writer, publicist at dating talent manager na si Ate Nene Riego.

Hinding-hindi makakalimutan ng marami ang sikretong pagpapakasal ng pop superstar na si Sarah Geronimo at singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli nung February 20, 2020 na naging dahilan ng pagwawala ng ina ng singer-actress na si Mommy Divine Geronimo at the intimate wedding reception sa isang private function room ng isang five-star hotel sa Bonifacio Global City.

Nung February 23 ay ikinasal naman ng Kapuso actress na si Sheena Halili at ang City Administrator ng Pasig City na si Atty. Jeron Manzanero.

February 26 naman ay nagsilang ang aktres na si Jade Lopez ng kanyang baby girl na si Rinoa Sapphire. Nagsilang din ang non-showbiz wife ng Kapuso actor na si Mike Tan ng kanilang second baby na si Baby Priscilla.

Sa Vatican City naman nag-propose ang movie director na si Dan Villegas sa kanyang fiancée, ang writer-director na si Antoinette Jadaone. Nung February 28 ay ikinasal naman ang actress at Valenzuela councilor na si Charee Pineda sa kanyang husband na si Martell Soledad na isa ring konsehal ng siyudad sa pamamagitan ng isang civil wedding na ginanap sa Valenzuela City Hall officiated by Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

On February 29, 2020, Kapamilya singer-actress Ylona Garcia celebrated her debut party, ang 1950’s theater-themed party na ginanap sa Palazzo Verde in Las Pinas City.

(To be continued)

Subscribe and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook: @asteramoyo and Twitter: @aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger