Isabelle sasabak na sa Miss World Philippines

September 02, 2019
Isabelle De Leon
Isabelle De Leon

ISA ang dating chld actress na si Isabelle de Leon (25) sa 40 candidates sa 2019 Miss World Philippines na gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) sa September 15, Linggo.

Seven years old pa lamang noon si Isabelle nang mapasama siya sa dating hit sitcom ni Vic Sotto, ang “Daddy Di Do Du” on GMA (2001-2007) kung saan din tampok sina Danica Sotto, Maxine Magalona, Cindy Kurleto, Rhian Ramos, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Ruby Rodriguez, Sugar Mercado and the late Redford White.  Nakilala siya sa kanyang character as Duday Vallejo, isa sa mga anak ng character ni Bossing (Vic) as Hercules `Kul’ Vallejo.

Isabelle was 9 nang gawin niya ang pelikulang “Magnifico” in 2003 na nakapagbigay sa kanya ng FAMAS Best Child Actress award.

Although nakagawa rin noon si Isabelle ng ilang programa sa TV5, mas tumatak siyang bilang Kapuso dahil dito siya gumawa ng maraming teleserye at kabilang na rito ang “Mulawin,” “Love to Love,” “Mga Mata ni Angelita,” “Nasaan Ka Elisa,” “Maria Mercedes,” “Dragon Lady,” “Magkaibang Mundo” at iba pa.

At 25, dalagang-dalaga na ang singer-actress at nag-blossom ito into a beautiful lady.