Isko and Nanette: Reinventing life after

October 29, 2019
Isko Moreno & Nanette Medved

WHAT do Manila Mayor Isko Moreno and Nanette Medved-Po have in common?

Pareho silang nagpa-seksi noong kasikatan nila sa showbiz. At ngayon parehong namamayagpag sa larangan na kanilang pinasok matapos iwanan ang pag-a-artista. Both prove that there is life after showbiz.

Sino ang mag-aakala na ang dating basurero ay mayor na ngayon ng Maynila? Sumikat sa "That's Entertainment" hanggang bumida sa mga daring role noong panahon ng sexy movies. Sa katunayan, naglabasan ang ilan sa kanyang mga sexy pictorial para siguro siraan ang kanyang imahe. Pero 'di naman nakaapekto sa kanyang pagiging mayor. Yorme Isko, as he is widely addressed, has earned the admiration of no less than President Rodrigo Duterte for his mission to make Manila a world-class city.

At 45, Mayor Isko can still give young actors a run for their career. Lalo na't hindi pa rin kumukupas ang kanyang charm at sex appeal, na kitang-kita sa viral video na kung saan game na sumayaw sa isang dinaluhang event. Pero sa kabila ng kanyang sipag, marami pa rin ang nagsasabi na pa-pogi lang daw si Yorme dahil bawat kibot daw niya ay ipinu-post sa social media. Well, that's how it is now. Ang importante, may nagagawa siya para sa Maynila.

Meanwhile, former actress Nanette left showbiz when she married business tycoon Cris Po. Sumikat ang aktres lalo na nang gampanan niya ang iconic role na "Darna." Today, Nanette is busy with her philantropic work being the founder and president of H.O.P.E, a non-stock profit social enterprise; while her hubby oversees the business empire Century Pacific Food, Inc. as its executive chairman. Pero ang nakakabilib sa kanya ay ang pagkakatalaga niya bilang chairperson ng Po Family Council. First time ito sa mga Po na babae at non-Chinese ang napili nila sa nasabing position. Her role is to maintain peace and harmony within the business and among the members of the Po clan. Whew!

Sa status ngayon nina Mayor Isko at Nanette, napatunayan nila na kailangan i-reinvent ang sarili para maging mas purpose-driven ang buhay. So, is it difficult for other showbiz peeps to reinvent themselves to stay relevant? Just asking...

Disclaimer:

For reactions/comments, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo