Isko nangangailangan ng tulong

June 20, 2019
Isko Moreno

ALAM ng 44-year-old actor-politician na si Isko Moreno na hindi magiging madali ang kanyang kakaharaping malaking responsibility bilang pinakabagong mayor ng Maynila na una niyang napagsilbihan  in his capacity bilang konsehal at vice-mayor.

Bitbit ni Isko ang tiwala at suporta ng kanyang constituents na alam niyang kakailanganin niya para maisakatuparan ang kanyang magagandang plano para sa siyudad.

“I cannot do this alone.  Kailangan ko ang kooperasyon at suporta ng aking mga constituents,” pag-amin niya.

Nagbigay-pugay na rin si Isko sa outgoing mayor ng Maynila na si dating Pangulo-turned Manila mayor na si Joseph `Erap’ Estrada na pinagsilbihan niyang mayor sa loob ng isang termino as vice-mayor.

Isko is happily married to is non-showbiz wife of 19 years na si Diana Lynn Ditan at meron silang apat na anak na sina Frances Diane, Vincent Patrick, Drake Marcus at Joaquin Andre.