Issa third party daw sa Jadine breakup

January 22, 2020

NGAYONG kumpirmado na ang paghihiwalay ng live-in partners na sina James Reid at Nadine Lustre matapos nila ito kumpirmahin sa pamamagitan ng kanilang joint statement na ipinadala sa “Tonight with Boy Abunda” ng King of Talk na si Boy Abunda last Monday, January 20, iba’t ibang ispekulasyon naman ang naglalabasan ngayon na kesyo may third party na involved sa parte ni James.  Itinuturo ang kapatid ni Yassi Pressman, ang model-vlogger na si Issa Pressman.

Kung nung unang sumabog ang balitang hiwalay na sina James at Nadine ay nagkaroon ng violent reaction ng JaDine fans, ngayon naman ay galit ang mga ito kay Issa at nalulungkot sa kinahinatnan ng relasyon ng kanilang mga idolo.

May akusasyon pa ang JaDine fans na nakita umanong kahalikan ni James si Issa sa likod ni Nadine.

Matagal-tagal pa ang itatakbo ng hiwalayang James at Nadine na kahit nagbigay na sila ng joint statement ay tiyak na hihintayin pa rin ng netizens at ng publiko na magsalita ang dalawa maging ang diumano’y itinuturong third party na si Issa.

May masasabi rin kaya ang misis ni Billy Crawford na si Coleen Garcia sa recent break-up nina James at Nadine na kaibigan nilang mag-asawa?