Italian BF ni Ina, nag-propose na

July 19, 2019

SA presscon ng bagong primetime TV series ng GMA, ang “The Better Woman” na pinangungunahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres ay natanong ang isa sa cast ng serye na si Ina Feleo kung kelan ito mag-aasawa at sinabi nito na naghihintay lamang siya sa proposal ng kanyang Italian boyfriend of two years na si Giacomo Gervasutti.  Tila nag-dilang anghel si Ina dahil wala pang isang buwan ay nag-propose na sa kanya ang kanyang LDR (long distance relationship) boyfriend na fiancé na niya ngayon.

Naikuwento rin ni Ina na hinihiritan na rin siya ng apo ng kanyang mom, ang veteran actress-director na si Laurice Guillen pero hindi niya ito mapagbigyan until she’s married.

Hindi rin akalain ni Ina na magwu-work ang kanilang long distance relationship ng kanyang fiancé na si Giacomo from Venice, Italy.  Nakilala niya ang kanyang fiancé sa Venice nung 2015 nang sila’y magbakasyon doon kasama ang kanyang inang si Laurice at nakatatandang kapatid na si Ana Feleo.

Giacomo owns a travel tours office in Venice.  The following year ay nagsimula nang makipag-communicate si Giacomo at naging frequent visitor na ito ni Ina sa Pilipinas.  Nang maging sila, bumibisita rin ang actress sa kanyang nobyo sa Italy.

Ang buong akala pa noon ni Ina ay matutulad si Giacomo sa mga nauna niyang karelasyon na sa hiwalayan din mapupunta lalupa’t long distance ang kanilang relasyon pero nagkamali siya.

Pag-uusapan pa ng bagong engaged couple ang date at lugar ng kanilang kasal lalupa’t busy pa ngayon si Ina sa kanyang tumatakbong serye sa Kapuso Network, ang “The Better Woman”.  Pagkatapos ng serye ay doon lamang marahil mahaharap ni Ina ang preparasyon for her wedding with Giacomo.  Hindi pa rin malinaw kung igi-give-up ni Ina ang kanyang showbiz career sa Pilipinas to live in Venice with her future husband.

Samantala, marami ang hindi nakakaalam na si Ina ay isang professional skater, dancer at writer.  Naging member siya noon ng Bayanihan Dance Company and she had the chance to perform in various countries which include Spain, London, Russia, Moscow, Malaysia, China at iba pa.  Siya’y nagtapos ng creative writing sa Ateneo de Manila University.

Si Ina at kapatid niya na si Ana ay mga anak ng yumaong actor na si Johnny Delgado at mga apo ng yumao na ring writer and film director na si Ben Feleo.  Their dad, Johnny died on November 19, 2009 kaya magsasampung taon na itong namayapa.