‘It’s Showtime’ kinabog ang ‘Eat Bulaga’?

October 31, 2019
Vice Ganda
Vice Ganda

IDINEKLARANG grand champion ang team ni Vice Ganda sa "It's Showtime Magpasikat 2019."

Double victory ito para kay Vice dahil bago pa ang announcement of winners, official na niyang inamin ang tunay na relasyon nilang dalawa ni Ion Perez. To paraphrase the lyrics of her performance song, they are now as free as their hair.

Sa 10th anniversary celebrations nito, trending at hataw sa ratings ang flagship noontime show ng ABS-CBN. Pasabog talaga ang mga production ng bawat team sa week-long "Magpasikat 2019" nito. Ito ang highlight ng annual anniversary presentation ng programa dahil bawat host ay involved sa budget at creative development ng production nila.

Unang nagpasikat ang Team Anne Curtis at Tiyang Amy Perez noong Martes, kasama ang winners at grand finalists ng Bidaman. They used the German Rhonrad wheel as their main prop to hype the show's ups and downs in the past nine years. Sinundan ito ng Team nina Karylle at Ryan Bang noong Miyerkukes. Their message is to show that we rise when we lift others with KPop as its visual theme. Parehong hinangaan ng mga hurado ang naunang dalawang production.

At sa third day ng "Magpasikat," biglang lumaylay ito dahil sa boring na presentation ng Team nina Jugs Jugueta and Teddy Corpuz at Jhong Hilario. Aminin o hindi, ang luma ng kanilang concept na throwback sa dekada otsenta. Parang nanood ka lang ng isang high school prod number. At tanging si Joel Cruz lang ang nagpakatotoo sa mga hurado sa pagsasabi ng kanyang totoong obserbasyon. To put words into his mouth, the presentation was amateurish and boring!

Kung lumaylay ang "Magpasikat" noong Miyerkukes, binawi naman ng Team nina Vhong Navarro at Mariel Padilla sa kanilang futuristic at high tech presentation. They took advantage of the technology by hooking up Mariel on live stream direct from Delaware, USA. Plus, they focused on the program's legacy with androids as their visual handle. The amazing play of lights, music and visual effects complement the fluid choreography making the whole presentation truly A-mazing. Sabi nga ni punong hurado Edu Manzano, pinagsama-sama raw nito ang lahat ng elemento na ginamit ng mga naunang nagpasikat.

At siyempre, huling nagpakabog ang winning team ni Vice, kasama ang Miss Q & A beauties with the illuminating beauty of Dawn Zulueta, nitong Sabado. As expected, Vice surprised the madlang pipol with her unkabogable and phenomenal performances. Sumentro ang presentation ng Team Vice sa pagbibigay ng boses para sa mga taong may Alopecia. Literally and figuratively, it was all hair story - highlighting the evolution of Vice's hair throughout the years.

In a nutshell, Team Vhong-Mariel and Team Anne-Tiyang Amy clinched the 2nd and 3rd spot, respectively. Siyempre, ang tunay na panalo ay ang mga chosen charities nila. At higit sa lahat, ang madlang pipol na patuloy na pinapasaya ng programa. Congratulations, It's Showtime! Totoo bang kinabog na nito ang "Eat Bulaga"? Just asking...

Disclaimer:
For reactions/comments, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo