Iyakan!

November 23, 2018
Sharon Cuneta and Richard Gomez
Sharon Cuneta and Richard Gomez

Ang daming quotable quotes sa grand mediacon ng Three Words to Forever mula sa main cast na sina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo.

Of course, alam naman ng lahat na dating magkarelasyon sina Megastar at Goma na talaga namang naungkat nang bonggang-bongga sa nasabing presscon.

Isa sa pinaka-nagmarkang linya ni Shawie that night ay ang “ako ang nagsaing, iba ang kumain.”

Siguro naman ay alam ng lahat kung ano ang ibig niyang sabihin.

Pero sinabi rin agad ni Shawie na joke lang daw ’yun pero tawanan talaga nang sinabi niya ang linyang ’yun.

Nakakatuwa rin na alam na alam pa ni Sharon ang eksaktong date kung kailan niya sinagot si Goma.

Aniya, October 11, 1989 nagsimula ang kanilang relasyon na tumagal din ng anim na taon.

“Five or six. On and off. Mostly on. Pero lahat ng… nagtaasan kami ng boses siguro twice lang or thrice. Napakabait ko kasi...,” sey ni Sharon saka tumawa.

“No, but really, because he’s a good person to begin with. Mapapatawad mo. Mapapatawad mo kasi sobra naman niya akong mahalin.

“Tapos, lahat ng natiis ko sa kanya, pero hindi ko titiisin kahit kalahati nu’n sa sinumang nauna sa kanya o sinumang after niya. Hindi ko natiis ’yun. Sa kanya lang,” pahayag ni Sharon na talaga namang ikinakilig ng fans sa studio.

Pero ngayong may sarili na silang buhay, sobrang happy raw siya for Goma for what he has achieved.

“Now that he’s so happy with Lucy (Torres, his wife), with Julianna (his daughter), my God, I always knew he was going to be successful kasi bata pa lang kami, masinop na ’yan, eh.

“’Yung investment niya, paintings, bahay, ’yung iba, inuuna, sports car. Kami, nu’ng nagde-date kami, nu’ng una, L-300 lang,” pagre-recall pa ni Sharon.

Ayon naman kay Goma, “Alam n’yo, ’yung love namin ni Sharon sa isa’t isa, that will always be forever” at sigawan na naman ang fans sabay-halik ni Goma sa noo ni Sharon.

Nagkaiyakan din sa presscon.

Umiyak si Tommy Esguerra nang ikwento kung gaano siya kasaya na mapasama sa pelikula at itinuring daw siya ni Sharon na parang anak.

Niyakap naman siya ng Megastar at nag-iyakan sila.

Umiyak din si Sharon nang magsalita si Liza Lorena at sinabing mananatili raw special sa kanya si Mega dahil ito ang kanyang original anak sa Dear Heart.

Umiyak din si Liza nang  i-share niya that she lost her mom some months ago and after a few weeks ay ang sister naman niya ang pumanaw.

Kaya naman talagang naging therapy sa kanya ang shooting ng pelikula at aliw na aliw daw siya sa pagpapatawa ni Joross Gamboa.

Naiyak din si Sharon nang maalala ang pumanaw na kaibigang broadsheet columnist na si Bayani San Diego.

Isa pang interesting to note sa presscon ay ang  sweet moments nina Sharon at Richard.

Maraming beses silang magka-holding hands at panay din ang haplos ni Mega sa face ni Goma.

May times din na nakapatong ang kamay niya sa lap ng aktor and vice versa. May pagkakatong niyayakap ni Shawie si Goma.

Fifteen years ago sila huling nagkasama sa isang pelikula kaya naman marahil ay talagang na-miss nila ang isa’t isa.

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia, showing na sa Nov. 28 ang Three Words to Forever na kinunan pa sa lugar nina Lucy at Goma, sa Ormoc, kung saan ay ang aktor ang kasalukuyang mayor.