Iza ikinasal at 36, handang-handa na sa mister na si Ben

December 19, 2018
Iza Calzado and Ben Wintle
Iza Calzado and Ben Wintle

TATLONG celebrity weddings ang naganap ngayong December, ang kasal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, Lotlot de Leon at partner nitong Lebanese businessman na si Fadi El Soury at ng newlywed couple na sina Iza Calzado at ang Fil-British businessman na si Ben Wintle kahapon, December 19, sa Club Paradise, Coron, Palawan.

Dumating sa Pilipinas ang parents (Peter and Friday Wintle) at mga kapatid ng groom para dumalo sa fiesta-themed beach wedding.

Since ulila nang lubos si Iza, ang kanyang only brother na si Dash Calzado ang naghatid sa kanya sa altar. Kumpletong dumalo ang kanyang mga dating kasamahan at mga kaibigan sa “Encantadia” TV series ng GMA na sina Karylle, Sunshine Dizon at Diana Zubiri maging ang dati nilang director na si Mark Reyes.  Dumalo rin ang isa pang close friend ni Iza na si Divine Lee kasama ang mister nitong si Blake Go at ang kanilang 6-month-old son na si Baz Go. Si Tim Yap naman ang tumayong host ng event.  Naroon din ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Jr. with their three-year-old celebrity daughter na si Scarlet Snow Belo, ang mag-asawang Cristalle Belo-Pitt at Justin Pitt kasama ang kanilang baby na si Hunter James, ang fashion designer na si Rajo Laurel at iba pang malalapit na kaibigan ng couple.

Bumilang din ng maraming taon ang relasyon nina Iza at Ben bago nag-propose ang huli sa una nung October 7, 2017.  Nung October 31, 2018 ay binigyan ng bridal shower sa Bali, Indonesia si Iza ng kanyang malalapit na kaibigan  tulad nina Karylle, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Divine Lee at iba pa niyang closest friends.

At 36, handang-handa na si Iza na bumuo ng pamilya with her husband na si Ben.