Iza may pakiusap sa mga mambabatas

July 08, 2020
Iza Calzado

ISA ang Kapamilya actress na si Iza Calzado sa nananalangin na sana’y maging patas ang mga mambabatas sa kanilang magiging desisyon sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Although napapanood pa rin ang mga programa ng ABS-CBN on cable and digital platform, mas marami pa rin ang manonood sa free broadcast on radio and TV laluna na ang mahihirap at siyang nadi-deprive sa pagpapatigil ng broadcast ng ABS-CBN ng National Telecommunication Commission (NTC) nung May 5, 2020.

Samantala, sa kabila na hindi pa naibabalik sa ere ang ABS-CBN, unti-unti na ring nagre-resume ang production ng ilang nahintong programa ng Kapamilya network  tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “A Soldier’s Heart” at “Love Thy Woman”.  Magri-resume na rin ang taping ng TV drama series na “Ang Iyo ay Akin” kung saan tampok na mga bituin sina Iza, Jodi Santamaria, Sam Milby at Maricel Soriano.  Kasama rin sa serye sina Liza Lorena, Zaijian Jaranilla, Lito Pimentel, Alvin Anson, Cheska Inigo, Nico Antonio, Jimmy Marquez, Chantal Videla at Brenda Mage at kung saan naman may special guest appearance si Albie Casino.

Dapat sana’y nung nakaraang March 23, 2020 magsisimula ang  airing ng bagong teleserye pero hindi ito natuloy dahil sa pagdeklara ng enhanced community quarantine (ECQ)  nung March 15, 2020.

Nung March 25 ay na-confine sa hospital si Iza dahil sa pneumonia and three days later ay nagpositibo siya sa Covid-19 pero siya’y naka-recover.  It was humbling for Iza  who shared her experience several times over sa mga interviews sa kanya.

Iza is married to Fil-British Ben Wintle. 

Iza has been a Kapamilya talent for the last 12 years matapos siyang lumipat from GMA in 2008.