Iza, naka-relate sa pangungulila ni Kim sa ina

January 15, 2019
Iza Calzado & Kim Chiu

Kitang-kita sa post ni Kim Chiu ang labis na pagmamahal sa kanyang namayapang ina at kung gaano niya ito nami-miss.

Kaarawan ng ina ni Kim last Saturday at binisita ng aktres ang puntod nito’t ipinost sa kanyang Instagram account kalakip ang isang tula sa caption.

“A million times I’ve needed you, a million times I’ve cried. If love alone could have saved you, you never would have died.

“In life I love you dearly, in death I love you still. In my heart you hold a place no else can fill. It broke my heart to lose you. But you didn’t go alone, part of me went with you, the day God took you home.

“Happy birthday in heaven Mama. I love you,” ang caption ni Kim.

Tila naka-relate naman si Iza Calzado, na tulad ni Kim, ay wala na ring ina kaya naglagay siya ng katakut-takot na heart emoticon.

* * *

Umaabot na sa mahigit 1.3M views sa YouTube ang “pool scene” ni Kate Valdez sa Onanay na umere last Dec. 28, 2018.

Ito ang eksenang itinulak si Natalie (Kate) ng isang bisita habang nasa birthday party.

Sa nasabing episode ay pinag-usapan din ang bagong karakter na pumasok na si Angel Guardian na gumaganap na Chelsea.

Ang daming pumuri sa beauty niya. Sa true lang, maganda naman talaga ang bagets, bongga pa ang name na binaligtad na “guardian angel.” At mukha talaga siyang anghel.

Marami ang naniniwala na nag-trending ang nasabing episode sa YouTube dahil marami ang na-curious kay Angel na dati palang commercial model.

Bagong GMA Artist Center (GMAAC) talent si Angel at marami ang humuhula na sisikat siya agad dahil sa kanyang angelic beauty.