Iza negative na sa COVID-19

March 31, 2020
Iza Calzado

MARAMI ang natuwa nang maka-recover ang aktres na si Iza Calzado sa Covid-19 matapos ang halos isang linggong pagkaka-confine  nito sa isang pribadong pagamutan in Metro Manila.  She was due to be discharged today, Tuesday, March 31 matapos siyang mag-negatibo na sa virus.

Si Iza ang pangalawang showbiz personality na naka-recover sa Covid-19 after drama king Christopher de leon who  recovered and released from the hospital nung gabi ng March 24 after eight days of confinement matapos siyang mag-positibo sa killer virus.  Pero hindi pinalad ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias na sumakabilang-buhay nung nakaraang Huwebes, March 26 kasunod ng pagpanaw ng nakatatandang kapatid ng TV-actress-comedienne na si Ruby Rodriguez at isa sa mga frontliners na si Dr. Sally Rodriguez-Gatchalian sanhi ng coronavirus (Covid-19).  Bago sina Menggie at Dra. Gatchalian, nauna nang namaalam ang lead singer ng Mulatto Band na si Joey Bautista gayundin ang fashion designer na si Ito Curata nang dahil din sa Covid-19 plus 11 other doctors (na nasa frontline) at iba pang pribadong indidivuals.  As of 4 p.m. kahapon, March 30, umabot na sa 78 Covid-19 victims ang sumakabilang buhay with 1,546 cases at 42 rito ang  naka-recover at nakauwi na.

While everyone is looking forward na mali-lift na ang enhanced community quarantine on April 14 at unti-unti nang maibabalik ang normal na pamumuhay ng mga Filipino, wala pa rin itong katiyakan sa ngayon hangga’t hindi pa totally nawawala ang mapamuksang virus hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Hinihingi pa rin ang kooperasyon ng lahat ang pananatili sa loob ng bahay para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus.