Iza, sumasailalim sa iba’t ibang treatment na pampaganda

December 01, 2018
Iza Calzado
Iza Calzado

Nakataas na  ang billboard ng Belo ni Iza Calzado na bagong Face ng Belo Thermage. “So honored to be the new face of #BeloThermage! Snap a photo if you see my billboard along Edsa and tag me and @belobeauty,” post niya.

Ang ganda-ganda ni Iza sa billboard at sa isa pang publicity photo ng Belo Thermage na isa sa treatment na ginagawa kay Iza bilang paghahanda sa nalalapit niyang kasal.

Hindi pa in-announce ang wedding date nina Iza at fiance niyang si Ben Wintle at pati venue ng wedding, hindi pa rin binabanggit, although may naniniwalang sa Palawan magaganap ang kasalan.

Maganda na si Iza at gusto, mas maganda at makinis siya sa araw ng kanyang kasal. Kaya dumadaan siya sa mga treatment na Skin Reboot -- a skin firming and tightening treatment that uses Mesobiolift and micro current to stimulate collagen formation for younger-looking skin.

Thermage -- a non-invasive treatment that uses radio frequency technology to tighten skin, smoothen out wrinkles and contour the face and body.

Angel Whitening Procedure -- a treatment that targets melanin deposit to effectively lighten skin and deliver a more even tone.

Venus Freeze -- A skin tightening  and contouring treatment that uses Multi-Polar Radiofrequency and Pulsed Magnetic Fields to safely and evenly heat the tissue under the surface of the skin.

Exilis -- To contour the face and body by liquefying fat as well as triggering the production of collgen to tighten skin without surgery.

Si Rajo Laurel ang gumawa ng wedding gown ni Iza at ang kuya niyang si Dash Calzado ang maghahatid sa kanya sa altar dahil patay na ang parents niya.