Jaclyn malakas ang dugo

September 06, 2019
Jaclyn Jose & Gwen Garimond

GUWAPO at artistahin din ang youngest son ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na si Gwen Garimond.

Nakita si Gwen ng mga entertainment media na dumalo sa presscon ng “Circa” sa 77 Scout Limbaga in Quezon City last Thursday evening.

Ayon kay Jaclyn, nasa pangangalaga na rin umano si Gwen ng talent manager na si Perry Lansigan.

Dalawa na ang apo ni Jaclyn sa kanyang panganay na anak na si Andi Eigenmann, ang 7-year-old na si Ellie at ang bagong silang last July  na si Lilo.

Mukhang malakas ang dugo ni Jaclyn dahil nakuha sa kanya ang pagka-mestisa ng bata, tulad din ni Andi.

Ayon kay Jaclyn, nami-miss niya ang kanyang bunsong apo na nasa Siargao ngayon kasama nina Andi at Philmar.