JADINE MAGKASAMA PA RIN KAHIT HIWALAY NA

January 27, 2020
James Reid & Nadine Lustre

KAHIT nagbigay na ng kanilang joint statement sina James Reid at Nadine Lustre na may kinalaman sa kanilang break-up sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang “Tonight with Boy Abunda,” hopeful pa rin ang JaDine fans na magkabalikang muli ang dalawa.

Last Saturday evening ay naispatan ang dalawa sa isang bar in Makati.  Hindi nga lamang maliwanag kung sabay dumating ang dalawa.  Kinabukasan ay magkasamang muli ang dating magkasintahan kasama ang sister ni James na si Lauren at ilang kaibigan.

Ito kaya’y bahagi ng kanilang moving on process?  Kanilang ipinapakita sa lahat na kahit hiwalay na sila ay puwede pa rin silang maging magkaibigan.