Jadine matagal nang walang TV project

January 11, 2019
Nadine Lustre and James Reid
Nadine Lustre and James Reid

MARAMING supporters ng Jadine (James Reid at Nadine Lustre) loveteam ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring bagong teleserye ang popular loveteam. Nung January 20, 2017 pa nagtapos ang kanilang ikalawang serye sa Kapamilya Network, ang “Till I Met You” kung saan din inilunsad ang career ng baguhang actor noon na si JC Santos.  Ganunpaman, nakagawa nung nakaraang taon ang reel and real loveteam ng hit movie na “Never Not Love You” na dinirek ni Antoinette Jadaone under Viva Films at isang sold-out major concert sa Big Dome (Araneta Coliseum, ang “Revolutation: The JaDine Concert”  which was staged on February 9, 2018.

Although buong-buo pa rin ang tambalan nina James at Nadine, bibigyan na rin sila ng kanilang home studio, ang Viva ng kani-kanyang solo projects.  Nariyan ang “Ulan” movie project ni Nadine na pinamahalaan ni Irene Villamor, the director behind the hit movies “Camp Sawi” at “Sid & Aya (Not A Love Story” na pinagbidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.  Si James naman ang pangunahing bida sa movie remake ng fantasy movie na “Pedro Penduko” na pamamahalaan ni Alberto `Treb’ Monteras II na siyang nagdirek ng award-winning indie movie na “Respeto”.

Kapag naipalabas na sa mga sinehan ang magkahiwalay na solo projects nina James at Nadine, doon lamang malalaman kung kaya na nilang tumayo on their own without  banking on their loveteam.

Samantala, malapit na ring i-launch ang sariling  perfume brand ni Nadine, ang Luster.