Jak isinama ang parents ni Barbie sa birthday date

December 03, 2018
Barbie Forteza and Jak Roberto

NAGKAROON ng double date sa 25th birthday celebration ng Kapuso actor na si Jak Roberto kasama ang kanyang girlfriend, ang Kapuso young star na si Barbie Forteza noong December 2.  Hindi lamang sina Jak at Barbie ang nakita sa isang Japanese resto in Quezon City kundi kasama rin nila ang parents ni Barbie na sina Tony at Imelda Forteza na halatang boto sa kapatid ni Sanya Lopez  para sa kanilang anak.

Ang closeness nina Jak at Barbie ay nagsimula sa set ng dati nilang TV series sa GMA, ang “Meant To Be “ nung nakaraang taon.

Samantala, masayang-masaya sina Jak at Barbie dahil muli silang magkakasama sa isang bagong teleserye, isang fantasy series ng Kapuso Network, ang “Dalawang Mukha ni Guadalupe”.  Kasama nila sa nasabing serye sina Mika de la Cruz, John Estrada, Carmina Villarroel, Glydel Mercado, Mike Tan, Liezel Lopez, Altheyah Ablan at iba pa.

Jak is 25 at 21 naman si Barbie.

Si Jak ay isa sa build-up talents ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno sa kanyang long-running late night show on GMA, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” kasama ang iba pang malalaking GMA talents ngayon, tulad ng sister ni Jak na si Sanya Lopez, Jake Vargas, Ken Chan, pati na ang mga Kapamilya ngayong sina Michael Pangilinan at Marlo Mortel.