JakBie at Sanya, tuwang-tuwa sa mga usa!

May 31, 2019

MARAMI ang natutuwa sa closeness ng magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez o kilala rin bilang Bida-bida Sibs sa kanilang Youtube vlogs. Very natural at puro asaran ang ginagawa nila kaya mag-e-enjoy ang mga nakakapanood sa  kanilang videos.  Lalong naging interesting ang vlogs ng dalawa dahil nakakasama nila sa kanilang kulitan ang GF ni Jak na si Barbie Forteza.

Sa latest Youtube vlog nga na ipinost ni Barbie ay tila walang sawa ang asaran ng tatlo habang masayang-masaya na nagpapakain ng mga deer sa Japan. Kahit pa nga halos kalahating oras ang haba ng naturang vlog ay pumalo ito sa kalahating milyon na views kahit na ilang araw pa lang ito naka-upload. Ayon pa sa isang comment, nakakaaliw daw ang tatlo dahil natural at walang boring moments kapag magkakasama ang mga ito.

Ang real-life couple na sina Jak at Barbie ay bida gabi-gabi sa primetime soap na Kara Mia habang si Sanya naman ay nagpapainit sa hapon ng Kapuso viewers sa newest Afternoon Prime soap na Dahil Sa Pag-ibig.