Jake and daughter Ellie mas naging close dahil sa lockdown

June 01, 2020
Jake Ejercito
Jake Ejercito and Ellie

IF there is one thing na ipinagpapasalamat ng 30-year-old na si Jake Ejercito sa Covid-19 crisis ay ang bonding na nabuo between him and his 8-year-old daughter (sa actress na si Andi Eigenmann), Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann).

Dahil sa lockdown, nasa poder ngayon ni Jake si Ellie habang nasa Siargao si Andi kasama ang kanyang partner ngayon na si Philmar Alipayo at anak nilang si Lilo (Keliana Alohi).

Marami ang pumupuri kay Jake dahil sa pagiging hands-on dad nito kay Ellie.  Nagpapasalamat naman ang binata ni dating Pangulo at Manila Mayor na si Joseph `Erap’ Estrada at dating actress na si Laarni Enriquez na maganda ngayon ang relasyon at arrangement nila ni Andi pagdating kay Ellie.

Nung nakaraang 8th birthday celebration ni Ellie sa kanyang school, parehong dumating sina Jake at Andi. Bitbit pa ni Andi ang (half) younger sister ni Ellie na si Lilo sa school na first time nakita in person ni Jake.

Ellie turns 9 on November 23.

Samantala, marami ang nagsasabi na isa si Jake sa mga inaasahang most likely to enter politics someday to follow the footsteps of their dad na si Joseph `Erap’ Estrada at elder half siblings niyang sina Jinggoy at JV Ejercito maging ang pamangkin na si Janella Estrada. Ito’y bukod din sa kanyang mga pinsan na si E.R. Ejercito at Gary Estrada  na pumalaot din sa larangan ng pulitika.

Si Jake ay nagtapos ng college sa isang university in London and took his master’s in Marketing with honors sa Northumbria University in Singapore.