Jake pumirma sa Star Magic

June 29, 2020
Jake Ejercito
Jake Ejercito

ANG 30-year-old son ni dating Pangulo at Manila Mayor Joseph `Erap’ Estrada at dating actress na si Laarni Enriquez na si Jake Ejercito ang pinakabagong talent ng Star Magic ng ABS-CBN.

Dati-rati ay reluctant si Jake na pasukin ang showbiz.

In fairness kay Jake, mas pinahalagaan niya ang pag-aaral. Nagtapos siya ng college in one of the universities in London and took his masters with honors sa isang university in Singapore. Marami rin ang humanga sakanya nang pangatawanan ang pagiging single dad sa kanyang 8-year old daughter na si Ellie (Adrianna Gabrielle) sa actress nasi Andi Eigenmann.

Marami rin ang nagsasabi na posibleng pasukin din ni Jake ang pulitika tulad ng kanyang ama, mga kapatid na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at JV Ejercito, maging ng kanyang pamangkin na si Janella Ejercito gayundin ang mga pinsan niyang sina Janna Ejercito, E.R. Ejercito at Gary Estrada.