Jake umamin tungkol sa kanila ni Kylie

June 15, 2019

SA presscon ng pelikulang "KontrAdiksyon", dinumog ng mga entertainment writer/blogger/vlogger ang bida na si Jake Cuenca.

Sobra  ang pasasalamat niya sa direktor/writer ng pelikula na si Njel de Mesa dahil sa mga papuri nito. "There's no other actor who can do the role better than Jake," sabi ng hyper na direktor na may eye black (not black eye) na karaniwang inilalagay ng mga American football, baseball and lacrosse player para mabawasan ang sinag ng araw o ilaw sa mga stadium. . "Siya lang ang local actor na nag-aaral pa ng acting sa New York every year," sabi pa nito na kinorek ni Jake: "Every two years lang, Direk."

Halatang inspired si Jake, hindi lamang dahil sa mga magagandang aktres na kasama sa pelikula tulad nina Ritz Azul, Kris Bernal at Katrina Halili, kundi sa kanyang personal na lovelife.  So, kumusta na sila ng beauty queen (Miss International 2016) na si Kylie Versoza?

"We've been dating for seven months,”  inamin ni Jake, pero kung nasaang level na sila, hindi man i-describe, aniya:

“Kung ako tatanungin, I’d rather we both be there at the same time and confirm something together, di ba?  Pero if you ask me, like I said, I’m very open with what I feel."

At diretsa niyang sinabi: "I do love her from the bottom of my heart." At ang dagdag: “This is the happiest I’ve ever been.”

Akala ng marami ay magkakatuluyan na sila ng American model na si Sara Grace Kelley na nakausap pa namin nang magpunta rito sa Pilipinas.

Long distance relationships usually don't really work.