Jake Zyrus nagkuwento ng past secrets

September 05, 2019
Jake Zyrus

HINDI maikakaila na nag-wane ang pagiging international artist ng dating Charice Pempengco nang ito’y mag-out in 2013 at maging transman at nagpalit ito ng screen name to Jake Zyrus. Pero ang kanyang musicality at pagiging isang composer ay hindi nagbago na mapapatunayan sa kanyang newly-released labum under Star Music na pinamagatang “Evolution”. 

Ang titulo ay bagay  rin kay Jake dahil nag-evolve din siya bilang isang singer-performer.

It was in September nung nakaraang taon nang ilabas ang kanyang first single from the album na pinamagatang “Diamond” na kinu-consider niyang survival anthem.  Ang iba pang original cuts ng album include “DNM,” “Love Even If” at “Tapestry”.

Samantala, hindi marahil alam ng  marami  na dapat sana’y makakasama si Jake (dating Charice) sa concert tour ni Michael Jackson pero ito’y sumakabilang-buhay nung June 25, 2009.  Prior to Michael’s death, kinontak si Jake (na Charice pa noon) ng abogado ng King of Pop na si Michael para siya’y isama sa concert tour at magdu-duet sana sila ni Michael ng isa sa mga classic hits ng American pop icon, ang “Billy Jean”.

Pero hindi na ito nangyari dahil two weeks matapos sila kontakin ng lawyer ni Michael ay binawian na ito ng buhay.

Si Jake ay produkto ng “Little Big Star” singing competition kung saan siya nanalo ng 3rd place.  Ang kanyang contest video ay in-upload sa YouTube na naging viral.  Ito bale ang naging daan para siya’y maimbitahan sa programa ni Ellen DeGeneres sa America na sinundan ng appearance niya sa “The Oprah Winfrey Show” who later referred her to Canadian singer-composer-arranger and record producer David Foster at kasunod na rito ang paglabas ng kanyang  international self-titled debut album na “Charice” na pumasok sa Top 10 ng Billboard’s Top 200 Albums.

Charice then was the only Asian singer na nakapasok sa Billboard’s Top 200 Albums.  Ito’y nasundan ng iba’t ibang performances ni Charice hindi lamang sa Amerika kundi maging sa iba pang bansa.

Although she first appeared sa program ni Ellen DeGeneres, si Oprah ang kanyang naging godmother sa kanyang international recording and singing career at naging mentor naman niya si David Foster. Pero ang lahat ng ito’y unti-unting nabago at nawala when she decided to follow her sexual preference bilang isang tansman.

Samantala, matapang na sinagot ni Jake ang tanong sa kanya kung anong CR (comfort room) ang kanyang ginagamit kapag siya’y nasa isang private and public place at inamin nito na sa ladies o women’s room pa rin siya pumupunta dahil biologically ay babae pa rin siya.  Nagtataka umano siya kung bakit ginagawa itong malaking issue ng iba.

Jake is now engaged sa kanyang  former fan at fiancée na si Shyre Aquino.