James magsasarili lang pero 'di lilipat

September 20, 2019

WALA umanong balak si James Reid na lumipat sa ibang talent agency after he left Viva Artist Agency (VAA) na naging tahanan niya sa loob ng pitong taon since 2012.  Gusto lamang umano niya magkaroon ng freedom sa mga bagay na gusto niyang gawin on his own matapos niyang itatag ang sarili niyang record label, ang Careless Music Manila where he wants to focus on.

Wala umanong magiging problema working with his girlfriend na si Nadine Lustre na nananatili sa VAA.

Ang team-up nina James at Nadine ay isa sa mga successful local loveteams na nagsimula in 2014 nang gawin nila ang pelikulang “Diary ng Panget” under Viva Films.  Nasundan pa ito ng ilang pang hit movies na ang pinakahuli ay ang “Never Not Love You” nung isang taon na nagbigay kay Nadine ng ilang parangal bilang Best Actress.  Nagkaroon din sila ng dalawang sold-out concerts sa Araneta Coliseum at dalawang hit teleserye, ang “On the Wings of Love” at “Till I Met You”.

Nag-worry ang mga fans ng JaDine na hindi na muling magsasama ang dalawa sa mga proyekto ngayong wala na si James sa bakuran ng Viva.

Ayon kay James, nagpaalam umano siya nang maayos sa Viva.

Kung naka-seven years si James sa bakuran ng Viva, naka-dalawang taon naman siya sa Star Magic.