James na-lockdown sa Italy, nami-miss si Bimby

June 28, 2020
James Yap and Michela Cazzola
Michela Cazzola, Francheska Michelle and James Yap

MUKHANG sa Italy inabutan ng lockdown ang basketball player na si James Yap at partner nitong Italian na si Michela Cazzola at ang dalawa nilang anak na sina Michael James (MJ) at Francheska Michelle who celebrated her second birthday in Italy kamakailan lamang.

Si James ay may 13-year old son sa ex-wife na si Kris Aquino na si Bimby  and another older son sa isang non-showbiz girl.

The basketball star admits that he misses Bimby pero ayaw naman siya suwayin ang kagustuhan ni Kris.  Naniniwala si James na darating din ang panahon ay maibabalik nila ni Bimby ang kanilang closeness bilang mag-ama.