James, Nadine ayaw pang magkaroon ng anak

November 08, 2019

PAREHONG 26 years old  ngayon ang live-in partners na sina James Reid at Nadine Lustre but too young for them to tie the knot and finally have kids.

Ayon sa magkahiwalay na panayam kina James at Nadine ng King of Talk na si Boy Abunda, pareho pa umano silang hindi handa na magkaroon ng anak.

Sa ngayon ay naka-focus sila sa kanilang respective career both sa singing, acting and product endorsements.

Although kumalas na sa pangangalaga ng Viva si James to be on his own, nanatili pa rin sa bakuran ng Viva si Nadine.

Nalulungkot lamang ang JaDine fans na baka hindi na umano nila mapanood na magkasama ang dalawa sa pelikula, TV project at maging sa mga concert.

Si James ay nakatakdang magsimula ng isang bagong TV series sa Kapamilya network na hindi si Nadine ang kapareha kundi ang isang miyembro ng Korean pop group na Momoland na si Nancy McDonie.

Supportive si Nadine sa kanyang kasintahan sa bago nitong project na hindi siya kasama.  Nagawa rin naman ito ng singer-actress sa dalawa niyang solo movies na “Ulan” at “Indak’ kung saan iba ang kanyang kapareha.