James at Nadine, nagli-live-in!

March 11, 2019
Nadine Lustre and James Reid

INAMIN na ni James Reid na nagli-live-in na nga sila ng girlfriend na si Nadine Lustre. Nangyari ang pag-amin ni James sa talk show ni Vice Ganda last Sunday.

“Yes, we live together,” pag-amin ni James.

Ayon pa sa boyfriend ni Nadine, “It’s actually my longest relationship. It doesn’t feel like three years. It’s been so fast.”

Matagal nang kalat ang balitang live-in na sina James at Nadine.

Sa pagkakatanda namin, tinanong namin silang dalawa sa pananaw nila tungkol sa pagli-live-in nu’ng presscon ng movie nilang Never Not Love You.

Kapwa sila pabor sa ganu’ng set-up pero walang direktang pag-amin sa kanila kung live-in na nga sila.

Sa pagiging makatotohanan nila ni Nadine, “Just be free to be real. Well, yes we live in together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there’s no space, sometimes you get too comfortable.

“But then, there are days na she’s working super busy, parang ganoon and when she gets home, it’s like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang.”

Sa totoo lang, hiwalay muna ang dalawa sa kanilang loveteam.

Si Carlo Aquino ang kapareha ni Nads sa coming Graded “A” movie niyang Ulan habang si James ay ang concert na The Cr3w sa April 5 ang pinaghahandaan.

Kakaibang tapang ang inilantad ni James sa pag-amin na live in na sila ni Nadine, huh!