James nag-apologize sa mga nadawit sa breakup nila ni Nadine

January 23, 2020
James Reid

IBA talaga kapag mga sikat at kilalang  mga  personalidad ang nakakaroon ng relasyon at nagkakahiwalay dahil nagiging malaking issue ito hindi lamang sa netizens but the public in general.  Take the case of ex-flame na sina James Reid at Nadine Lustre na kahit nag-labas  na sila ng joint statement sa programa ng King of Talk na Boy Abunda, ang  “Tonight with Boy Abunda” tungkol sa kanilang split-up   ay ayaw pa rin silang tantanan ng marami.  Marami pa ring version ang naglalabasan as to the real cause ng kanilang break-up kung saan na-drag pa ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman.

As of presstime ay hindi pa rin nagsasalita ni Issa tungkol  sa issue laban sa kanya laluna ng JaDine (James and Reid) fans na siya ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa.  Pero hindi ito pinalampas ng nakatatandang kapatid ni Issa na si Yassi dahil alam niya ang totoo.

Unknown to many, close na magkakaibigan ang magkapatid na Yassi at Issa at  dating magkasintahang James and Nadine at wala umanong nabago sa kanilang friendship kahit naghiwalay na ang dating magkasintahan.

Nag-apologize na rin si James sa pagkakadawit ng pangalan ni Issa na wala naman umanong kinalaman sa desiyon nila ni Nadine na maghiwalay.

Tulad ng break-up ng ibang known celebrity couples, malayo pa ang itatakbo ng hiwalayang James at Nadine at siguradong may iba pang characters o pangalan ang madadawit.

Wanna bet?