James suportado ang live-in partner

March 13, 2019
James Reid

KAHIT hindi kasama sa “Ulan” na pinagbibidahan ng kanyang reel and real life partner na si Nadine Lustre, dumating si James Reid sa premiere night ng pelikula na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma Mall  para suportahan ang kasintahan sa first project nito na hindi sila magkatambal.  First movie venture ito ng HOOQ Philippines, ang pinakamalaking video-on-demand service sa Southeast Asia, with Viva Films and N2 Production

Dumating si James kasama ang kanyang co-Viva artist na si Sam Concepcion na kasama niya sa upcoming April 5, 2019 major concert at the Araneta Coliseum, ang “The Cr3w: Live In Concert” with singer-actor-dancer at TV host na si Billy Crawford.  Hindi naman nakarating ang kapareha ni Nadine sa movie na sina Carlo Aquino pero dumalo sina Marco Gumabao at AJ Muhlach (with his pretty non-showbiz girlfriend in tow). Naroon din ang child actress na si Ella Ilano, Andrea del Rosario (na siyang gumanap na tiyahin ni Maya),  at si Leo Martinez.  Namataan din namin doon ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario and his ladylove na si Joanne Quintas.

Kakaiba ang kuwento at atake ng pelikula at kung ano ang kinalaman ng ulan sa buhay ni Maya (played by Nadine) since she was a kid hanggang sa kanyang paglaki at kung paano napipigilan ng ulan sa tuwing siya’y umiibig.  Child actress Ella Ilano played the role of the young Maya habang sina Carlo Aquino, Marco Gumabao at AJ Muhlach naman ang gumanap na mga love interests niya in the movie.  Si Perla Bautista naman ang gumanap na lola ni Maya na siyang nagkuwento  at nagpaunawa sa kanya na may mga tikbalang na ikinakasal  sa tuwing umuulan at hindi pabor ang langit sa kanilang union.

Ayon kay Direk Irene, she had Nadine in mind to play Maya from the very start at si Carlo (Aquino) naman sa role ni Peter.

Ang “Ulan’ na binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay palabas na sa mga sinehan.