Jane abot kamay na ang tagumpay

July 21, 2019
Jane De Leon

Ngayong nai-anunsyo nan a si Jane de Leon na ang gaganap sa papel ng Pinoy heroine na si Darna, biglang nagkainteres ang publiko sa kanya.  Wala nga namang may idea na si Jane ang mapipisil out of almost three hundred hopefuls para gumanap sa iconic role na Darna.

Naging unanimous ang decision ng mga taga-Star Cinema na pinamumunuan ng managing director na si Olive Lamasan maging ang magdidirek ng pelikula na si Jerrold Tarog (of “Heneral Luna” fame) na si Jane ang swak sa role na inatrasan pareho nina Angel Locsin at Liza Soberano na may kinalaman sa kanilang  magkahiwalay na injuries.

Nang muling ipatawag si Jane ng Star Cinema, ang buong akala niya ay muling siyang sasailalim ng panibagong audition not her knowing na doon na para sasabihin sa kanya na siya na ang final choice para gumanap sa most coveted role sa pelikula na unang ginampanan in 1951 ng actress na si Rosa del Rosario.

Among the stars who played the role of Darna, ang actress-politician na si Rep. Vilma Santos lamang ang gumanap sa nasabing role ng apat na beses  (1973, 1974, 1975 at 1980).

Sa pagkakapili kay Jane bilang bagong Darna sa pelikula, ngayon pa lamang ay halos abot-kamay na niya ang stardom.

Hindi rin magiging madali para kay Jane ang role na kanyang gagamapanan kaya kinakailangan niyang sumailalim ng matinding training bilang paghahanda.  Pinili nito ang sports na Muay Thai na una niyang pag-aaralan.

Kung nai-anunsyo na ang gaganap sa title role na Darna, isusunod na marahil ang gaganap sa papel ng batang si Ding maging ang gaganap na kontrabida kay Darna.

Si Jane ay nasa pangangalaga rin ng Star Magic.  Dating miyembro siya ng all-girl dance group, ang Girltrends ng “It’s Showtime”.  Huli siyang napanood na gumanap na nakababatang kapatid ng character na ginampanan ni Jericho Rosales as Catalino `Lino’ Bartolome bilang si Magie Bartolome sa hit primetime TV series na “Halik” na tinampukan din nina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.

Hindi pa man nakakalipad si Jane bilang Darna, ngayon pa lamang ay marami na ang excited sa kanyang tuluyang paglipad at paglunok ng bato.

Jane is turning 21 on November 22.