Home>Entertainment>Showbiz>Janella buntis ba sa BF na si Markus?

Janella buntis ba sa BF na si Markus?

Janella Salvador and Markus Paterson

BUNTIS nga ba ang 22-year-old Kapamilya young star na si Janella Salvador at nakatakda umano itong magsilang sa susunod na buwan?

Sinubukan naming i-text ang manager ni Janella na si Manny Valera para i-clarify ang balita pero hindi kami nakatanggap ng text back mula sa kanya.

Umalis umano ang ina ni Janella, ang singer-actress na Jenine Desiderio kasama ang younger brother ng young star na si Russell Salvador patungong London kung saan naroon ngayon ang young star at ang Filipino-British boyfriend niyang singer-actor na si Markus Paterson.

Nag-post si Jenine ng picture kung saan magkasama sila ng kanyang anak na si Russell sa loob ng eroplano. May mga picture ding naglabasang magkasamang naglalaro sina Markus at Russell na tila kuha sa ibang bansa (London).

Although wala pang kumpirmasyong na nagmumula sa magkabilang kampo at sa mga taong malapit sa dalawa, lalabas din naman ang totoo kung totoo ngang buntis at malapit nang magsilang si Janella.

May alam kaya rito ang ama ni Janella, ang singer-musician na si Juan Miguel Salvador?

Sarah pinaghandaan ang pag-aasawa

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

MUKHANG pinaghandaan ng Popstar na si Sarah Geronimo ang kanyang pag-aasawa dahil marunong na ito sa mga gawaing bahay laluna ang pagluluto ng pagkain nila ng mister niyang si Matteo Guidicelli tulad ng pagbi-bake ng masasarap na dessert including lemon blueberry buttermilk cake, Japanese souffle cheesecake at iba pa.

“My wife’s lemon blueberry buttermilk cake will blow your mind.”She’s the best.” Pagmamalaki pa ni Matteo.

Before getting married in a secret Christian wedding in Taguig City last February 20, 2020, si Sarah ay nag-aral ng cooking lessons sa Center for Asian Culinary Studies kung saan din nag-aral ang maraming kilalang celebrities including Judy Ann Santos at ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Today, September 20 ay ika-7th month wedding anniversary ng couple at very proud si Matteo sa kanyang misis na si Sarah.

Umabot din ng mahigit anim na taon ang naging relasyon nina Sarah at Matteo bago nagpakasal.

Sa kabila ng maraming restrictions dahil sa pandemya, sanay na rin ang mag-asawa sa tinatawag na `new normal’…

Samantala, marami naman ang nagi-expect na sana’y magkaroon na rin ng baby ang mag-asawang Sarah at Matteo. Afterall, 32 na si Sarah at 30 naman si Matteo.

The life of Lloyd Samartino

Lloyd Samartino and Carmen Soriano
Lloyd Samartino and Carmen Soriano

SI Lloyd Samartino nga ba ang first love ng ex-wife ng actor-director na si Ricky Davao na si Jackie Lou Blanco?

Ito’y napag-alaman namin nang makahuntahan namin ang mag-inang Carmen Soriano at Lloyd Samartino sa aming online program, ang “TicTalk with Aster Amoyo” sa YouTube.

Dahil parehong sikat noon ang kanilang respective mothers, ang mga Golden Divas na sina Pilita Corrales at Carmen Soriano, bukod sa kanilang mga solo shows and performances ay madalas ding magkasama ang dalawa sa iba’t ibang shows and concerts.

Sina Jackie Lou at Lloyd ay nagkalapit nang i-request noon ng veteran entertainment editor and columnist na si Ricky Lo na i-cover sa Expressweek Magazine sina Pilita at Carmen na kasama ang kanilang mga anak na sina Jackie Lou at Lloyd. Jackie Lou was only 14 at 16 naman si Lloyd. Since magkaibigan at madalas magkasama sa show sina Pilita at Carmen, gusto na parati ni Lloyd na nakikita si Jackie Lou hanggang maging sila. Nagkahiwalay lamang ang dalawa nang pumasok na sa showbiz si Lloyd na naging isa sa mga matinee idols nung 80’s.

As fate would have it, napangasawa ni Jackie Lou ang actor-director na si Ricky Davao habang ang dating First Daughter na si Jo Ramos (anak ni dating Pres. Fidel Ramos) naman ang naging misis ni Lloyd. Although hiwalay na sina Jackie Lou at Ricky, meron silang tatlong anak – sina Kenneth, Arabella at Rikki Mae habang isa naman ang anak ni Lloyd sa kanyang yumaong ex-wife na si Jo na si Sergio. Si Ricky ay related din kay Lloyd. They are fourth degree cousins dahil third cousins ang kanyang mom at late husband nitong si Dr. Robert Dabao na kapatid naman ng late father ni Ricky, ang veteran actor na si Charlie Davao.

Biniro pa nga namin si Lloyd na baka ang ending ay sila pa rin ni Jackie Lou dahil single ito ngayon at gayundin siya pero agad niya inamin na may karelasyon umano siya ngayon na non-showbiz.

Lloyd never had a chance to meet his biological father, Lloyd Samartino, Sr. na isang Italian-Canadian but was based in Australia kung saan sila nagkakilala ni Carmen who was only 20 years old at time at 19 naman ang ama ni Lloyd nang sila’y magpakasal. At that time, Carmen appears three times a week sa isang Australian television and has shows in various cities of Australia. Since it was a whirlwind courtship, nauwi rin kaagad sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Ipinagbubuntis noon ni Carmen si Lloyd nang siya’y bumalik ng Pilipinas. When Lloyd was 16 and was ready to meet-up with his biological father and his new family, doon lamang niya nalaman that his father passed on two years earlier dahil sa vehicular accident. But he got to know and meet his grandparents and half-siblings sa father side at bukas pa rin umano ang kanilang communication hanggang ngayon.

Samantala, Lloyd was first introduced sa pelikulang “Gabun: Anak Mo, Anak Ko” in 1979 at magmula noon ay nagtuluy-tuloy ang kanyang pagsikat. Naging matinee idol at leading man siya ng mga top stars tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos at iba pa.

“The sad part, he was never recognized as a singer kasi mas nakilala na siya bilang matinee idol at actor,” pahayag ni Carmen.

Bago nag-showbiz si Lloyd ay madalas na itong kumakanta sa “Seeing Stars with JQ” by the late journalist and TV host Joe Quirino kung saan madalas ding mag-guest ang kanyang inang si Carmen.

“No regrets,” ani Lloyd na hindi pa rin nagbabago ang hitsura hanggang ngayon.

Si Lloyd ay huling napanood sa bagong nagtapos na afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “Love Thy Woman”.

Catch our online show, “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger